Posts

Showing posts with the label San Juan del Monte

9 Reasons Why Bonifacio Sucked

Image
1. Si Andres Bonifacio ay nakatulog sa pansitan Habang namumuti ang mata ng ibang mga commanders at heneral ng Katipunan sa Manila at Cavite, si Andres Bonifacio ay nakatulog sa may San Juan. Matapos na mag link up si Bonifacio sa mga taohan na nanggaling ng Santolan, sila ay nagkaroon ng maikling pamamahinga at paguusap-usap ayon sa memorias ni Santiago Alvarez.  Sabi ng mga historiador na simpatetico kay Andres Bonifacio, imposibleng nakatulog ang Supremo dahil sa 800 na tauhan na kasama niya doon at wala ni isa ang gumising sa kanya. Ang sagot ko naman, may "K" ba ang mga taohan niya para bulabugin ang mahimbing na Supremo? Maipapaliwanag ba nila kung ano nangyari sa limang oras na nagdaan? May naguusap-usap ba ng limang oras nang di namamalayan na takdang oras na pala ng pagbibigay ng hudyatan? Alas dose ng gabi 30 ng Agosto 1899 ang usapan ay magpapalipad ng mga lobo para maging hudyat ng mga taga lalawigan na umpisahan na ang sabay-sabay na pag-atake sa In