Resorts World Manila - Kamusta Contingency Plan Niyo?
Dahil sa nangyaring terrorist attack sa Resorts World Manila, lumalabas na naman ang katontohan natin at pagka-reactionista. 2017 na at hanggang ngayon ay hindi tayo handa sa terrorismo. Hindi ba tayo puede matuto sa ginagawa ng ibang bansa kung paano nila protectahan ang mga mamamayan nila? Kung nakita ninyo yung security video ng Resorts World Manila, ang gunman ay casual lang na pumasok sa gusali, hindi na dumaan sa metal detector. Ang security guard ay isang babae na walang baril. Paano ba naman matatakot ang mga masasamang loob niyan kung ang first line of defense mo ay isang nene? "Excuse me sir, hindi po kayo puede pumasok diyan sir kailangan niyo po dumaan sa metal detector namin, sir? Sir? Ayyy may baril!" Dapat ang nakaharap doon ay mukhang MERC na may pagka goons ang dating at may hawak na malaking baril. Ang sino mang magtatangka na gagawa ng masama ay talagang magdadalawang isip. Yung mukha talagang hayop na bigyan mo lang ng dahilan eh babarilin ka kaagad